Nabigyan ng agarang ayuda ng Department of Social Welfare and Development Bicol ang mga pamilyang nasunugan sa Naga City sa ilalim ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng ahensya. Bandang alas 9:30 kagabi nang sumiklab ang sunog sa Zone 3 ng barangay Triangulo sa nasabing siyudad.
Sa ulat ng ahensya, nasa 18 indibidwal ang naapektuhan sa naganap na sunog.
Sa kabila nito, nakatanggap ang mga pamilyang nasunugan ng family food packs (FFPs) at set ng mga non-food items gaya ng kitchen kits, family kits, blankets, at malongs, na nagkakahalaga ng PHP 30,000.
Dagdag pa, ang mga apektadong pamilya ay makakatanggap ng tig-PHP 10,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD Bicol sa City Government ng Naga para makakalap ng impormasyon tungkol sa mga nasunugang pamilya. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay