Transmission lines ng NGCP, normal sa kabila ng banta ng bagyong Nika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa.

Ito ay sa kabila pa ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Nika.

As of 9am, normal pa ang operasyon sa mga grid ng NGCP.

Gayunman, nananatiling nakaalerto ang kumpanya lalo’t inaasahang tatama pa sa kalupaan ang bagyong Nika.

Una nang tiniyak ng NGCP na nakalatag na ang precautionary measures nito bilang paghahanda sa pagtama ng kalamidad sa kanilang transmission facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us