Tiniyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang maiiwan sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa gitna ng banta ng kalamidad.
Ito ang inihayag ng kalihim makaraang papurihan nito ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maghatid ng tulong sa mga sinalanta ng sunod-sunod na bagyo.
Sa kaniyang panig naman, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan ay patunay lamang ng nagkakaisang adhikain na panatilihing ligtas at naibibigay ang pangangailangan ng mga kababayang apektado.
Una rito, bumiyahe naang BRP Davao del Sur, bitbit ang iba’t ibang tulong para sa mga biktima ng mga bagyong Kristine, Leon, at Marce sa lalawigan ng Batanes.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang maaapektuhan pa rin ng bagyong Nika ang naturang lalawigan. | ulat ni Jaymark Dagala