Nagpadala ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Aurora kung saan nag-landfall ang bagyong Nika.
Ayon sa DSWD, nasa 10,000 Family Food Packs ang inihatid mula sa Global Aseana Business Park 2, sa Pampanga-DSWD Hub, upang maging karagdagang pre-positioned goods sa mga satellite warehouses ng SWAD Aurora at Baler, Aurora.
Sa ngayon, katuwang na rin ng DSWD Central Luzon ang 70th Infantry Battalion at Headquarters Service Company, 7th Infantry Division ng Philippine Army sa repacking ng Family Food Packs.
Ito ay para masiguro ang maagap at sapat na ayuda para sa mga maaapektuhan ng bagyo sa rehiyon.
Una nang tiniyak ng DSWD na mayroon pa itong ₱2.2-billion relief resources na pantugon sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa