Party-list solon, ipinanukala na gobyerno na lang ang mag-import ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukalang batas ang natakdang ihain ngayon ni ACT CIS Party-list Representative Erwin Tulfo kasama ang ilan pang mambabatas kung saan ang gobyerno na lang ang maaaring mag-angkat ng bigas imbes na mga private importers.

Napansin kasi ni Tulfo na kahit ibinaba na ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taripa sa inaangkat na bigas ay wala pa signipikanteng pagbaba sa presyo ng imported rice sa merkado.

“Binabaan na nga ng Pangulo ang taripa ng imported na bigas ng mga negosyante, pero ang presyo sa merkado ay nasa ₱50 to ₱60 pa rin ang kilo,” ayon kay Tulfo.

Duda niya ang nakikinabang lang ay yung mga importer.

Sa ilalim ng panukala, bibigyang kapangyarihan ang Department of Agriculture (DA) na mag-import ng bigas para ibenta sa mga palengke.

Kung magkano nakuha ng DA ang bigas sa ibang bansa, ay siya na rin ang magiging katumbas na presyo sa merkado.

Kapag panahon naman ng anihan ay ititigil din ang pag-aangkat ng bigas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us