Tatlong Dam sa Luzon ang nagbabawas na ng tubig habang isa pa ang susunod mamayang hapon.
Isinasagawa ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Nika.
Umaga pa lang kanina nang unang buksan ang Ambuklao at Binga Dams sa lalawigan ng Benguet.
Alas-12 ngayong tanghali, binuksan naman ang San Roque Dam sa Pangasinan, sunod ang Magat Dam bandang alas-4 ng hapon.
Dahil dito, inabisuhan na ang mga residente malapit sa mga river channel na maging alerto sa posibleng pagtaas ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer