Na-recover ngayong araw ng mga otoridad ang bangkay ng isang 13-anyos na dalagita na napaulat na nawawala noon pang Sabado, Nobyembre 9, sa Brgy. Dalla, Baggao, Cagayan.
Ayon kay Baggao MDRRMO Head Narciso Corpuz, naghuhugas lamang umano sa river control ang biktima at posibleng nadulas hanggang sa mahulog ito sa ilog.
Marunong naman umanong lumangoy ang dalagita, subalit dahil sa lumalaki noon ang ilog at lumalim ang agos, tuluyan na itong tinangay.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang MDRRMO, subalit nahirapan sila sa paghahanap dahil sa mataas na antas ng tubig sa ilog.
Isang residente mula sa Brgy. Nangalinan ang nakakita sa dalagita na nasa estado ng decomposition na. | Ulat ni Teresa Campos | RP1 Tuguegarao