Lalo pang humina ang bagyong Nika habang kumikilos sa West Philippine Sea.
Sa 5am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Nika sa layong 185 km kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hanging aabot sa
95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 115 km/h.
Nasa ilalim pa rin naman ng Signal no. 1 ang:
Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur (Lidlidda, City of Candon, Galimuyod, Banayoyo, Burgos, Santiago, Santa Maria, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Caoayan, Santa, Bantay, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Magsingal, Cabugao, San Juan, Sinait), northern portion ng Apayao (Kabugao, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora), northern at western portions ng Abra (Tineg, Lagangilang, Bucay, Villaviciosa, Lagayan, San Juan, La Paz, Danglas, Pilar, San Isidro, Peñarrubia, Tayum, Dolores, Bangued, Pidigan, Langiden, San Quintin), the western portion of Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.), at northwestern portion ng mainland Cagayan (Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Claveria)
Inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 12 oras.
Samantala, nasa loob na rin ng PAR ang bagyong Ofel na huling namataan sa layong 1,170 km silangan ng Southeastern Luzon.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h at pagbugsong 90 km/h.
Ayon sa PAGASA, dahil tutumbukin din ng bagyong Ofel ang tinahak ng bagyong Nika, posibleng magtaas ng Signal no. 1 sa Cagayan Valley mamayang gabi o bukas ng umaga.
Sa forecast track din ng PAGASA, inaasahang lalakas rin at aabot sa typhoon category ang bagyong Ofel sa Miyerkules. Posible rin itong maglandfall sa Northern o Central Luzon sa Huwebes ng hapon o gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa