Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 2,855 pamilya o halos 8,000 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng bagyong Nika.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of November 11, mayroon nang higit 2,000 na pamilya o katumbas ng 6,191 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers habang higit 400 pamilya ang nakikitira rin sa mga kaanak.
Una nang tiniyak ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng kalamidad. Tuloy-tuloy rin ang produksyon ng family food packs para ipadala sa mga apektadong LGUs.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang ₱2.2-billion ang hawak na relief resources ng ahensya kabilang ang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa