Nagpadala na ng mga line crew ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa magpapatrolya sa mga pasilidad nitong naapektuhan ng bagyong Nika.
Ayon sa NGCP, isusunod dito ang simultaneous restoration activities lalo sa mga lugar na accessible na.
As of 6am, partially energized na ang Santiago-Batal 69kV Line.
Habang nananatiling unavailable ang Santiago-Aglipay 69kV Line na nagseserbisyo sa ISELCO I, QUIRELCO at Santiago-Cauayan 69kV line. | ulat ni Merry Ann Bastasa