4 na Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Nika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang apat na pangunahing dam sa Luzon kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika.

Sa pulong balitaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo ngayong umaga, sinabi ni PAGASA Hydrologist Richard Orindain na kabilang sa mga nagpapakawala ang mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat.

Nasa dalawang gate ang bukas sa Ambuklao Dam sa Benguet na may isang metrong opening at total discharge na 153.58 cubic meters per second.

Nasa dalawang gate din ang bukas sa Binga Dam sa Benguet pa rin na mayroong isang metrong opening habang may total discarge itong 147.94 cubic meters per second.

Nasa isang gate naman ang bukas sa San Roque Dam sa Pangasinan na may 0.5 meters na opening at total discharge na 64 cubic meters per second.

Habang isang gate ang bukas sa Magat Dam sa Isabela na may dalawang metrong opening at total discharge na 763.78 cubic meters per second. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us