Pumalo na sa mahigit 36,000 pamilya o katumbas ng 153,000 indibidwal na apektado ng bagyong Nika.
Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nagmula ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Cordillera.
Bukod dito, nasa mahigit 4,000 pamilya o katumbas ng mahigit 14,000 indibidwal ang nanunuluyan ngayon sa may 246 na mga evacuation centers.
Samantala, maraming tulay at kalsada ngayon ang hindi pa rin madaanan partikular sa Region 2 na hinagupit ng bagyong Nika habang nasa 25 lugar din sa rehiyon ang nananatiling walang kuryente.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring at assesssment ng local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong rehiyon. | ulat ni Jaymark Dagala