“Adolescent Pregnancy Prevention Act”, pinagtibay ng Komite sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng House Committee on Youth and Sports Development ang substitute bill para tugunan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, at gawing “accessible” ang family planning methods sa sexually active minors.

Sa ilalim ng panukala, bibigyang access ang adolescents sa reproductive health information at services kabilang ang legal contraceptives, nang hindi kinakailangan ng parental consent.

Nakasaad dito, na ang mga edad 15 hanggang 18 ay bibigyan ng absolute right habang ang mga below 15 ay limitado lamang kung sila ay buntis o nakaranas ng sexual assault, miscarriage, sexually active o engaged sa ‘high-risk behavior”.

Titiyakin din nito ang social protection ng mga adolescent parent upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtrabaho.

Para kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman na pangunahing may akda sa panukala, na maituturing itong ‘sequel’ sa “Reproductive Health Law”.

Punto pa ng kinatawan, na ang adolescent pregnancy ay maituturing na isang krisis na mayroong malaking epekto sa kalusugan at kalagayang pang-ekonomiya ng mga batang magulang. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us