Isa pang transmission line na naapektuhan ng bagyong Nika, naayos na — NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naibalik na ang normal na operasyon ng isa pang transmission line facility na bumigay sa kasagsagan ng bagyong Nika.

Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tapos na ang pagkumpuni sa Santiago-Aglipay 69kv Line na nagsusuplay ng elektrisidad sa ISELCO I o Isabela Electric Cooperative 1, at QUIRELCO o Quirino Electric Cooperative.

Nananatili namang hindi pa available ang transmission line ng Santiago-Batal 69kv Line na nagsusuplay ng kuryente sa ISELCO 1.

Gayunman, nagpapatuloy pa ang restoration activities ng mga line crew ng NGCP sa mga natitirang apektadong linya.

Paglilinaw pa ng NGCP, na ang kanilang ginagawang restoration activity ay nakatuon lamang sa status ng transmission works.

Hindi kasama dito ang localized disturbances na tinutugunan ng Distribution Utility o Electric Cooperative, at ang linya na eksklusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa industrial customers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us