Kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika, mahigit 2,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidlwal ang muling inilikas sa Cagayan bilang paghahanda sa paparating na bagyong Ofel.
Ayon kay Office of Civil Defense Region 2 Director Leon Rafael, ang mga inilikas ay naninirahan sa flood prone at landslide prone areas.
Sa ngayon, umabot na sa 6,070 pamilya o mahigit 19,000 na indibidwal ang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa 362 barangay sa Region 2 o sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Patuloy naman ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Ofel.
Dagdag pa ni Director Rafael, 63 tulay at 22 kalsada sa Cagayan ang hindi pa rin madaanan. May mga kabahayan din sa Isabela at Nueva Vizcaya na hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente.| ulat ni Diane Lear