Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala silang naitalang pinsala sa ano mang paliparan na kanilang pinangangasiwaan.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, base sa kanilang pinakahuling monitoring nananatiling nasa maayos na kondisyon ang mga paliparan na hinagupit ng bagyong Nika.
Dagdag pa ni Apolinio, wala ding naitalang stranded na pasahero sa mga paliparan ng Laoag, Cauayan, Tuguegarao, Palanan, Bagabag, Virac, at Batanes sa ilalim ng CAAP.
Matatandaang patuloy ang ginagawang monitoring ng pamahalaan sa nabanggit na mga paliparan, dahil ang mga ito ang inaasahang lubos na maaapektuhan ng bagyong Nika. | ulat ni Lorenz Tanjoco