Iginiit ni Senadora Loren Legarda na palalakasin ng mga bagong maritime laws ng Pilipinas ang abilidad ng ating bansa na protektahan ang ating marine biodiversity, coastal ecosystems at marine resources.
Ginawa ng senadora ang pahayag kasabay ng pagpuri sa pagiging ganap na batas ng Republic Act 12064 o ang Philippine Maritime Zones Act at ng RA 12065 o ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.
Ayon kay Legarda, ang dalawang bagong batas na ito ay hindi lang magtitiyak ng integridad mg ating national territory kundi magpapalakas pa ng ating legal at environmental framework sa pangangalaga at pagprotekta sa ating karagatan.
Ipinunto ng mambabatas na magkatuwang ang dalawang bagong batas na ito para maprotektahan at maiwasan ang pagkasira ng ating karagatan at maitaguyod ang regional stability, habang nirerespeto ang mga international convention gaya ng UNCLOS at ang 2016 arbitral award.
Ipinahayag rin ni Legarda na mahalaga ang mga batas na ito sa pagganap ng Pilipinas sa ating mga commitment para sa environmental sustainability, lalo na sa gitna ng mga hamong dulot ng climate change at mga industrial activities sa ating karagatan. | ulat ni Nimfa Asuncion