Pormal na inilunsad ngayong araw sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez amg AKAP Mall Tour.
Layunin nitong makapagbigay ng ayuda sa mga empleyado ng mga mall at tenants nito.
Ngayong araw magkakasunod na inikot ni Romualdez ang apat na SM Malls kung saan nakapagpaabot ng P268.5 milliong na tulong pinansyal sa may 53,715 na benepisyaryo.
Ayon sa House Speaker,tugon ito sa panawagan ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang whole-of-government approach para matugunan ang epekto ng inflation at matulungan ang mga minimum hannggang low-income workers.
Nakapagtala ng 13,632 registrants sa SM North EDSA, habang sa SM Megamall ay may 12,789, ang SM Fairview naman ay may 10,528 at pinakamarami sa SM Mall of Asia na may 16,766.
“Ang AKAP ay sagot ng ating gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang mga pangangailangan. Ito ay isang malaking tulong para sa ating mga kababayang hirap na hirap na itaguyod ang kanilang mga pamilya, lalo na ang mga minimum wage earners at low-income workers,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon naman kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, na iikot din ang AKAP sa ibang mall hindi lang sa NCR ngunit sa iba pang panig ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes