Tiwala ang National Security Council (NSC) na mananatiling nakasuporta ang Estado Unidos sa Pilipinas.
Ito ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ay kahit pa sa napipintong pagpapalit ng administrasyon sa America.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na batid na ng pamahalaan ang estilo ni President-elect Donald Trump noong una itong maupo sa pwesto.
Aniya, mismong si dating US State Secretary Mike Pompeo ang nagbigay diin na mananatili ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng dalawang bansa.
Maging ang free at open Indo-Pacific aniya na sinusunod ngayon ay nagsimula sa dating administrasyon ni Trump.
Dahil dito, kumpiyansa ang opisyal na magiging consistent ang posisyon ng US at ng Pilipinas pagdating sa usapin ng seguridad. | ulat ni Racquel Bayan