Itutuon na ng Marcos Administration ang anti-illegal drug campaign nito, sa supply side o iyong mga pinaggagalingan mismo ng iligal na droga at mga nasa likod ng kalakaran nito.
Ito ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay isa sa mga natalakay sa ipinagtawag na pulong sa Malacañang ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr., upang mapalakas pa ang paglaban ng bansa sa iligal na droga.
“For the longest time, we have been concentrating on the consumption side – arresting them on street levels, arresting them on crimes they committed on a buy bust. This time, we are going heavy on the supply side chasing after the big guns, the big suppliers, the main men involved in the importation of drugs.” —Remulla.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na base sa impormasyong kanilang natanggap, nasa 200 high profile inmate a Bilibid prison ang hanggang sa kasalukyan, sangkot pa rin sa kalakaran ng iligal na droga.
“Ang dami nang sumubok ayusin iyan. Lahat na ginawa nila, hinigpitan, lahat na pero it seems that mayroon pa rin systemic na iyong problema sa loob ng Muntinlupa, so they’re trying a new approach. Kahit anong gawin nila, after isi-sweep nila, after two weeks lahat may telepono na naman so evidently there’s something wrong within the system and changing personnel is not the answer.” —Remulla.
Dahil dito, ililipat na aniya sa panibagong maximum facility ang mga inmate na ito.
“You have to change the location, change their ability, change their accessibility para iyong communication to with the outside world is curtailed. So, iyon ang ginagawa.” —Remulla.
Habang tutukuyin rin kung sino sa mga jail personnel ang pinagmumulan ng problema, o dawit na sa iligal na aktibidad sa loob ng detention facility, mula sa jail guards hanggang sa supervisors.
“They’re being investigated. Ang report sa amin is from jail guards up to the supervisors tinitingnan nila talaga kung saan iyong problema. Needless to say hindi sila kasama doon sa bagong facility, iba na ang sistemang gagamitin para… using more of technology to make sure that their communications with the outside world are stopped.” —Remulla.| ulat ni Racquel Bayan