Bagyong Ofel, nasa typhoon category na — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumakas pa sa typhoon category ang bagyong Ofel habang lumalapit sa Northern Luzon.

Huli itong namataan sa layong 475 km silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 150 km/h.

Nakataas na naman ang Signal no. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at central portions ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Divilacan, Palanan, Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Roxas, San Guillermo, Luna, Delfin Albano, City of Cauayan, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, Tumauini, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, Mallig, Burgos), Apayao, eastern portion ng Kalinga (Rizal, City of Tabuk, Pinukpuk), easternmost portion ng Mountain Province (Paracelis), at easternmost portion ng Ifugao (Alfonso Lista).

Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyo patungong kanlurang hilagang-kanluran at mag-landfall sa silangang baybayin ng Cagayan o Isabela bukas ng hapon.

Nakikita rin ng PAGASA na patuloy na lalakas si Ofel sa loob ng 24-oras. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us