Mababang farm gate price ng manok, pabor sa mga retailer sa Marikina Public Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kung ang mga nagtitinda ng manok sa Marikina Public Market ang tatanungin, pabor sila sa mababang farm gate price ng manok.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang mga nagtitinda na mas magandang pagkakataon ito dahil bababa ang presyo ng dressed chicken na siyang ibinebenta sa palengke.

Anila, kung mura ang presyuhan sa manok, malaki ang tsansa nilang kumita lalo’t sa kanila lilipat ang mga mamimili dahil unti-unti nang nagmamahal ang presyo ng baboy habang nananatili namang mahal ang karne ng baka.

Katunayan, naglalaro sa ₱150 hanggang ₱185 ang kada kilo ng manok dito.

Una rito, umaaray ang mga poultry raiser dahil sa pagsadsad ng farm gate price ng manok sa ₱80 ang kada kilo habang ₱0.50 naman sa itlog.

Ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA) mababa man ang farm gate subalit mahal pa rin ang bentahan sa palengke kaya’t ang resulta, lugi pa rin sila.

Samantala, sinabi naman ng ilang nagtitinda ng itlog na maganda sana ang presyuhan sa farm gate subalit hindi nila ito ramdam dahil nananatiling mataas ang ipinapataw sa kanilang presyo.

Dahilan upang nananatili sa ₱9 hanggang ₱10 ang presyo ng extra large na itlog habang nasa ₱7.50 hanggang ₱8 naman ang pinakamaliit. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us