NDRRMC, nangako ng maagap na pagdedeklara ng suspensyon ng klase at trabaho tuwing may bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang maagap na pagsusupinde ng klase gayundin ng trabaho sa tuwing may dumarating na bagyo sa bansa.

Ito ang inihayag ni NDRRMC Vice Chair at Interior (DILG) Secretary Jonvic Remulla makaraang makatanggap ng basbas mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para gawin ito.

Paliwanag ng kalihim, nakadepende ang kanilang gagawing pag-aanunsyo sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA hinggil sa lakas ng ulang dala ng bagyo, bukod pa sa dalang hangin at direksyong tinatahak nito.

Binigyang-diin pa ni Remulla na mahalagang alamin agad ang dalang ulan ng bagyo na siyang iniwang aral ng nagdaang bagyong Kristine.

Apat na araw aniya bago pa man dumating ang bagyo, inaasahang maglalabas na ng ulat ang PAGASA hinggil sa dami ng ulang dala nito na ipaaalam agad sa Office of Civil Defense (OCD) na ibababa naman sa mga regional counterpart nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us