‘Murang Pagkain Supercommittee’ ng Kamara, nagkaroon ng paunang pulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng paunang pulong ang Quinta Committee o ang Murang Pagkain Supercommittee ng Kamara.

Pinangunahan ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, na siyang magiging overall chairperson ng Quinta Committe ang all-chairpersons briefing kung saan inilatag ang framework at magiging direksyon ng gagawing inquiry in aid of legislation.

Partikular na tututukan ng supercommittee ang isyu ng smuggling, manipulasyon sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin, at kung paano tutugunan ang kagutuman pati ang pagsusulong ng food at nutrition security.

Ang Murang Pagkain Supercommitttee ay binubuo ng Committees on Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services, at Special Committee on Food Security.

Inaasahan naman na sa susunod na linggo ay pormal na sisimulan ng supercommittee ang kanilang unang pulong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us