Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si United States Defense Secretary Lloyd Austin sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas batay sa impormasyong ipinadala nito sa Kampo Aguinaldo ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag ni Pentagon Press Secretary, Maj. Gen. Pat Ryder, unang bibisitahin ng kalihim ang Australia bago ito sa Pilipinas.
Matapos nito, sunod namang bibisitahin ni Austin ang Laos at Fiji bilang bahagi ng serye ng bilateral at multilateral meetings nito.
Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Amerika sa Defense Department ng Pilipinas hinggil sa detalya ng pagbisita ng US Defense chief sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala