Nagsagawa ng maagang pagpapaalala ang Coast Guard Camarines Sur sa mga residente na nakatira sa mga low-lying areas sa lalawigan kaugnay ng binabantayang bagyong Ofel.
Nabatid na kasama ang ilan pang mga Sub-Stations ng PCG Camarines Sur, nagsagawa ang mga ito ng pagpapaalala sa mga residente na nakatira sa mga low-lying areas sa lalawigan upang agarang makapaghanda sa binabantayang bagyo.
Patuloy naman umanong nakikipag-ugnayan ang PCG Camarines Sur sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa mas mabilis na pag-responde sa mga posibleng maapektuhan ng nasabing sama ng panahon.
Samantala, nananatiling nakaalerto ang mga Deployable Response Groups (DRGs) ng Coast Guard Station Camarines Sur at ang mga Sub-Stations nito upang makapagbigay ng agarang tulong sa publiko. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga