3 Persons of interest sa pagkawala ng American vlogger na si Elliot Eastman, patay matapos maka-engkuwentro ng AFP at PNP sa Zamboanga Sibugay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa kinumpirma ng Philippine Army at Police Regional Office 9 ang pagkakasawi ng tatlong persons of interest (POI) sa nangyaring pagdukot sa American vlogger na si Elliot Eastman.

Ayon kay PRO-9 Director, Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ito’y kasunod ng isinagawang hot pursuit operations ng pinagsanib na puwersa ng Pulisya at Militar sa boarder ng mga bayan ng Kabasalan at Naga sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga nasawi na magkapatid na sina Abdul Sahibad at Fahad Sahibad na siyang tumulong o nagkanlong sa pagtatago ng iba pang mga suspek sa pagdukot kay Eastman.

Nasawi rin si Morsid Ahod na itinuturing na 7th Most Wanted Person sa rehiyon dahil sa kasong pagpatay at mayroon ding Outstanding Warrant of Arrest dahil sa mga kasong kidnapping for ransom, extortion, at theft. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us