Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na itutuloy ng Quad Committee ang kanilang pagdinig ngayong araw.
Ang kumpirmasyon ay matapos mawala ang cancelled status sa calendar sa website ng Kamara.
Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang komite na ituloy ang pagdinig na una nang inanunsyo na kanselado.
Ito ay dahil sa tinatapos pa ang vetting process sa mga witness na nais humarap.
Sa hiwalay naman na liham para sa Notice of Hearing mula sa secretariat, inabisuhan ang mga resource person na tuloy na ang pagdinig ngayong Miyerkules ng umaga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes