3 dams sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang tatlong major dam sa Luzon, ayon sa Hydrometeorology Division ng PAGASA.

Sa tala ng PAGASA, as of 8am, kabuuang siyam na control gates sa ang nakabukas sa mga dam dahil tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Dalawang gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam na may isang metrong opening.

Umakyat naman sa tatlong gates ang binuksan ng Binga Dam dahil malapit pa rin ito 575.00 meters na normal high water level (NHWL) o spilling level nito.

Nagdagdag din ng gate na nakabukas ang Magat Dam dahil umabot pa sa 188.56 meters ang lebel nito na kaunti nalang din ang agwat mula sa spilling level ng dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us