Nais samantalahin ng Quad Committee ang pagkakataon na madinig ang panig ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa kanilang pagtalakay sa usapin ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ito ang tugon ni Quad Comm Overall Chair Robert Ace Barbers nang tanungin kung bakit biglang tinuloy ng komite ang pagdinig ngayong araw.
Aniya wala silang natanggap na pormal na kumpirmasyon o komonikasyon na dadalo ang dating pangulo.
“Gusto namin i-take advantage ang pagkakataon na nandito siya dahil matagal na siyang hinihintay ng ating mga members sa quantum na makapanayam at matanong sa direkta mismo mula sa ating mga mambabatas ang ating dating Pangulo. … So because of that, minsanan lamang ito, hindi na tayo sure kung kailang makakarating ang dating Pangulo, we took advantage.” Ani Barbers.
Bandang 9:57am dumating ang dating pangulong Duterte sa People’s Center ng Kamara.
Ayon naman kay dating Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, nais ng dating pangulo na matigil na ang kantyawan sa pagitan ng magkabilang panig.
Pagpapakita rin aniya ito ng datin pangulo ng kaniyang paggalang sa institusyon kung saan siya dating naging miyembro.
Sabi pa aniya ng pangulong kung ililipat ang petsa ng pag-dinig ay baka hindi na ito magtugma sa kanilang mga schedule ay baka hindi na sila magtagpo ng Quad Comm.
Nitong Lunes aniya nang dumating ang dating pangulo sa Maynila.
“Para matigil na ang katsawan, sige nandito na ako, kayo yata ay natakot. Yan ang sabi ng tao. May sarili akong salita. Inimbitahan nila ako, sinabi ko, darating ako, darating ako…Ang mahirap niyan kung irireset na naman nila tapos hindi ako ready. At kung sila naman ready, ako hindi. Ready ako, hindi sila. Hindi na kami magkikita kaya pupunta na lang ako” ito ang pagbabahagi ni Atty. Panelo. | ulat ni Kathleen Forbes