Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na agad na i-update ang kanilang contact information, partikular ang kanilang mobile number sa My.SSS Portal.
Kasunod ito ng ipinatutupad nang Multi-Factor Authentication (MFA) ng state-run pension fund sa kanilang online portal.
Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas, ginawa ang hakbang bilang dagdag na security feature para sa seguridad ng data ng bawat miyembro.
Inaasahang makatutulong din ito para mabawasan ang unauthorized access at potential fraud sa sistema.
Sa ilalim nito, magkakaroon na ng SMS-OTP na ipapadala sa rehistradong mobile number ng miyembro tuwing maglolog-in sa kanilang My.SSS account.
Bukod sa online updating, maaari ring mag-update ang mga miyembro ng kanilang contact information sa alinmang tanggapan ng SSS. Kailangan lang magsumite ng Member Data Change Request form sa alinmang sangay ng SSS.
“If you have an existing mobile number in the SSS database but no longer use that phone number, you can update your details online through your My.SSS account”. | ulat ni Merry Ann Bastasa