Isinasailalim sa komprehensibong pag-aaaral ng Department of Agriculture ang mga regulasyon patungkol sa transport ng mga hayop partikular ang mga manok at baboy.
Nais ng DA upang matugunan ang mga hamon sa supply dulot ng matagal ng problema sa kalusugan ng mga hayop.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pag-review sa mga umiiral na patakaran ay ilalatag sa konsultasyon sa grupo ng industriya, partikular sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.
Ang DA administrative Order no.5 na inisyu noong 2019 ay nagtatakda ng mga panuntunan para sa lokal na transport ng mga hayop, produkto ng mga ito at by-products upang protektahan ang publiko.
Nire-review na rin ng Bureau of Animal Industry ang Administrative Circular no. 2, series of 2022, na nag-amiyenda sa National Zoning and Movement Plan upang makontrol ang African Swine Fever (ASF). | ulat ni Rey Ferrer