Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang matagumpay na pagkapisa ng Philippine Eagle Chick #30 sa National Bird Breeding Sanctuary (NBBS) sa Brgy. Eden, Toril District, lungsod ng Davao.
Ayon sa impormasyon mula sa PEF, ang nasabing hatchling ay binuhay sa pamamagitan ng artificial insemination at sumailalim sa 56-day incubation period ang itlog sa tulong ng “help-out” method.
Ang “help-out” method ay gumagamit ng pipping sa air space ng itlog kung saan ang membrane nito ay hindi nakakabit; layunin nito ay upang maiwasan ang suffocation mula sa excess carbon buildup na delikado kung ang hatching period ay lumampas sa ligtas na tagal nito.
Si Philippine Eagle Chick #30 ay anak nina Pinpin at Sinag sa Philippine Eagle Center (PEC).
Nirepresenta nito ang bagong yugto sa kampanya para sa pagkonserba ng Philippine Eagle na matatagpuan lamang sa Pilipinas at nanganganib dahil sa pangangaso at pagkawala ng kanilang natural na habitat. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao City