Asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan ngayong hapon sa ilang bahagi ng Luzon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararamdaman ang mga pag-ulan sa Lalawigan ng Laguna, Laguna, Cavite, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija sa loob ng dalawang oras.
Nakakaranas na rin ng mga pag-ulan sa Quezon City, Caloocan at Marikina sa Metro Manila, San Jose Del Monte, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Santa Maria sa Bulacan, San Mateo, Rodriguez, Pililla, Morong, Teresa, Antipolo sa Rizal, Batangas City, Lobo, Taysan, San Pascual sa Batangas at Mulanay, San Marciso sa Quezon.
Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na lalawigan ay maaaring tumagal sa loob ng dalawang oras na makakaapekto sa kalapit lugar.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto laban sa banta ng pagbaha at landslide. | ulat ni Rey Ferrer