Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtanim siya ng ebidensya sa isang pinaghihinalaang kriminal noong siya ay mayor ng Davao City.
Ang salaysay ng dating Pangulo ay bilang sagot sa interpelasyon ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez.
Tinukoy ni Fernandez ang isang video ni Duterte, noong 2016 kung saan kinuwento niya sa harap ng media na nagtanim siya ng ebidensya.
Noong una ay pinabulaanan ito ng dating chief of executive.
Aniya, iligal ito.
“Mr. President, mayroon po kayong sinabi ‘nung 2016 sa interview niyo po that you have planted evidence during your time as a fiscal. Is this true?” Tanong ni Fernandez
“That’s garbage, sir…Alam ng mga police yan, ‘yung planting of evidence…That’s illegal. I was teaching them (policemen) criminal law,” unang tugon ni Duterte.
Gayunman, nang ipakita na ni Fernandez ang naturang video ay nagbago ang pahayag ni Duterte.
Sabi niya, bahagi ito ng istratehiya bilang mayor at lider ng law enforcement sa lungsod.
“Well, that was a part of the strategy as a mayor and as the leader of a law enforcement agency in the city,” sunod na sagot ni Duterte
Inamin din ni Duterte na nag-aabot din siya ng pera sa mga pulis.
Ito aniya ay para sa kanilang operasyon.
“Walang pera ang polis na magfollow up kung saan dinala yung victim. They have to spend money or else you end up with nothing….Kaya ako pagka ganito, maski nung Presidente ako, pag yung mga may kidnapping, ako talaga ang nagbibigay ng pera.” Sabi ni Duterte
Pag-amin pa niya na ginamit niya ang sobrang pera na dinonate sa kaniya bilang campaign fund.
Bagay na tinukoy ni Fernandez na labag sa batas dahil kailangan aniya ito ibalik sa donor.
“You have mentioned that yung pera na galing sa donation ng inyong campaign funds will be utilized for the reward system. You mentioned that and I saw the video. That’s private money Mr. President.” Tanong ni Fernandez
“Yes, pero galing na sa akin hindi. Na private money kasi natanggap ko yan ano na ko,” sagot ni Duterte | ulat ni Kathleen Forbes