Iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbuo ng isang komprehensibong contingency plan para matulungan ang mga undocumented Pinoy sa Estados Unidos.
Ito ay sakaling ituloy ni US President-elect Dinald Trump ang pangako niyong magpapatupad ng malawakang immigration crackdown sa kanilang bansa.
Ayon kay Estrada, bukod sa pagbuo ng logistical support plans para sa posibleng repatriation, kailangan na ring makapaglatag ang mga kinauukulan ng plano kung paanong matutulungan ang mga babalik na pinoy na makahanap ng trabaho o ibang mapagkakakitaan.
Pinunto ng senador na bagamat madaling sabihin na sana magkusa na lang na umuwi ang mga undocumented Pinoy sa IS kesa hintayin pang ma-deport sila.
Apektado rin kasi aniya nito ang mga pamilyang umaasa sa padala ng mga kababayan natin na walang legal na basehan ang paninirahan sa US sakali man na mapilitan silang umuwi ng bansa.
Kaya naman idinagdag ni Estrada na kailangan na ring paghandaan ng ating gobyerno ang pagkakaroon ng financial assistance program para matulungan ang mga pamilyang Pilipino na maaapektuhan ng ipapatupad ng polisiya ng US. | ulat ni Nimfa Asuncion