Inirerekomenda ni Senate President Chiz Escudero kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palitan na ang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na naghain ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections.
Ito ang napag-usapan nina SP Chiz at Pangulong Marcos sa naging pagpupulong nila kagabi.
Ipinunto ni Escudero na 35 sa 40 BTA officials ay naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 elections pero hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sila sa BTA.
Iginigiit kasi aniya ng mga ito ang ilang probisyon sa BARMM election code at implementing rules and regulations (IRR) na nagsasabing ang lahat ng appointed officials na naghain ng COC ay hindi considered residgned at hindi rin applicable sa kanila ang 1-year ban at pwede rin silang mai-appoint agad.
Pero ipinunto ng Senate president, labag ang ito sa saligang batas.
Nakasaad kasi aiya sa konstitusyon na dapat at deemed resigned na ang mga appointed officials na nag-file ng COC dahil itinuturing na partisan activity ang paglahok sa halalan.
Dahil dito, pinayuhan ni Escudero si Pangulong Marcos na maglagay na ng mga papalit sa babakantehing posisyon ng mga BTA officials na naghain ng COC.
Sinabi naman ng senador na ang COA na ang dapat na magdesisyon kung dapat bang swelduhan pa sila gayong dapat ikonsidera na silang resigned. | ulat ni Nimfa Asuncion