Panukalang 2025 budget ng OP, PMS, at OVP, lusot na sa plenary deliberations ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabilis na nakapasa sa plenary deliberations ng Senado ang mga panukalang 2025 budget ng Office of the President (OP), Presidential Management Staff (PMS) at Office of the Vice Presinent (OVP).

Wala nang senador na nagtanong tungkol sa panukalang pondo ng OP at PMS kaya naman wala pang isang minuto ay nakapasa napagtibay na ito sa plenaryo.

Nagkakahalaga ng P10.506 billion ang panukalang pondo ng OP.

Wala na ring nagtanong sa panukalang 2025 budget ng OVP na nagkakahalaga ng P733.198 million.

Pero bago aprubahan ang budget ng OVP, sinabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sa period of interpellation ay magpapanukala siya ng mga pagbabago sa panukalang pondo ng OVP.

Nanawagan rin si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Senate Committee on Finance na ibalik ang orihinal na P2.03 billion na pondo ng OVP para sa susunod na taon.

Matatandaang sa ilalim ng 2025 national expenditure program (NEP) na nagmula sa ehekutibo, P2.03 billion ang binibigay na pondo para sa OVP sa susunod na taon.

Pero sa ilalim ng 2025 general appropriations bill (GAB) na inaprubahan ng Kamara ay tinapyasan ito ng P1.3 billion at ginawa na lang itong P733 million.

In-adopt naman ng Senate Committee on Finance ang bersyon na ito ng Kamara.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us