Nagpulong sina Deputy Prime Minister at Minister for Defence Richard Marles ng Australia at Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. sa Canberra, Australia upang pagtibayin ang defense cooperation ng dalawang bansa.
Sa isinagawang Defence Ministers Meeting, binigyang-diin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa rehiyon.
Nagpahayag din matinding pagkabahala sina Marles at Teodoro sa sitwasyon sa South China Sea at muling iginiit ang pangangailangang sumunod sa international law, kabilang na ang 2016 South China Sea Arbitral Tribunal Award.
Kapwa kinondena ng dalawang opisyal ang mapanganib na mga aksyon ng China laban sa mga barko ng Pilipinas.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na palalimin ang defense cooperation, lalo na sa pamamagitan ng mga joint military exercises at kinilala ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa ibang mga bansa, tulad ng Japan at Estados Unidos, upang mapalakas ang seguridad sa rehiyon.| ulat ni Diane Lear