Philippine Air Force, naghatid ng mga relief goods sa mga lugar sa hilagang Luzon na sinalanta ng sunod-sunod na bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buhay ang diwa ng BAYANIHAN sa paghahatid ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng kalamidad sa hilagang Luzon.

Magkakatuwang ang Militar, Pulisya, Coast Guard, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsasakay ng relief goods gamit ang dalawang Black Hawk helicopter ng Mobility Command ng Philippine Air Force.

Isang libong kahon ng mga family food pack ang inihatid sa mga sinalanta ng bagyo sa coastal areas ng Maconacon sa Isabela habang nasa mahigit 1,600 relief supplies naman ang inihatid sa isla ng Fuga at Calayan sa Cagayan.

Samantala, naghatid din ng tulong ang Air Force gamit ang kanilang C-130 aircraft sa mga isla ng Batanes sa mga nakalipas na araw kabilang na ang Basco, Itbayat, at Sabtang.

Patuloy naman ang committment ng Air Force kasama ang mga ahensya ng pamahalaan sa walang patid na paghahatid ng tulong sa mga kababayan lalo na sa panahong ito na humaharap muli ang bansa sa panibagong bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us