Mga biyahe ng bus at truck patungo sa Bicol Region, sinuspinde ng LTFRB dahil sa epekto ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pansamantalang itinigil ang lahat ng biyahe patungong Visayas at Mindanao, simula ngayong araw.

Batay sa abiso, sakop nito ang mga bus at truck na dadaan ng Matnog Port, at iba pang lugar sa Bicol Region na maaapektuhan ng bagyong Pepito.

Ipinatupad ang suspensyon batay sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense Regional Office V at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Layon nitong maiwasan ang pagsisikip ng mga stranded na motorista sa Maharlika Highway, at iba pang pangunahing kalsada sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us