Pagsasapribado ng Hajj pilgrimage, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 168 na pabor, ay lusot na sa ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 10867 na layong isapribado ang taunang Hajj pilgrimage.

Layon nito na mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga Muslim Filipino pilgrims na makikibahagi sa Hajj.

Aamyendahan nito ang Republic Act 9997 o “National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009” para limitahan ang kontrol ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa taunang pilgrimage.

Bibigyang kalayaan ang mga pilgrim na mamili ng kanilang travel agencies, service providers at flights.

Bahagi rin nito ang tamang koordinasyon sa pagitan ng NCMF at pilgrims sa napapanahong departure at arrivals sa kabuuan ng Hajj activities.

Ang Bureau of Pilgrimage and Endowment mg NCMF ang responsable sa pagtiyak na magiging matagumpay ang Hajj. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us