Pinaalalahanan ni Isabela 6th District Representative Inno Dy ang mga residente sa kaniyang distrito na huwag galawin o pakialaman ang mga nasirang kawad ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Nika.
Ayon sa mambabatas tanging ang ISELCO lang ang maaaring mag-ayos ng mga nasirang linya ng kuryente.
Batid aniya niya ang pangangailangan sa kuryente ngunit hayaan dapat ang mga eksperto na mag-ayos nito upang maiwasang magkaroon ng dagdag pang pagkasira o mauwi pa sa sunog.
Inuuna lang aniya sa ngayon na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga essential services gaya na lang ng ospital. | ulat ni Kathleen Jean Forbes