PNP, nanindigan sa datos nito hinggil sa mga pulis na napabayaan ng nakalipas na administrasyon sa kampanya vs. iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na hindi nagsisinungaling ang mga datos tungkol sa mga pulis na tila napabayaan ng nakalipas na administrasyon dahil sa pagganap nito sa tungkulin kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga.

Ito’y makaraang manawagan ng suporta si PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil para sa mga pulis na nahihirapang harapin ang mga kasong isinampa sa kanila tungkol sa war on drugs ng Duterte administration dahil sa kakapusan ng legal support.

Magugunitang sa ika-11 pagdinig ng Quad Committee sa Kamara, tahasang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat paniwalaan ang naging pahayag ng PNP chief.

Pero ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, suportado aniya ito ng datos mula sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) kung saan, mahigit 1,000 pulis ang solong hinaharap ang kanilang kaso.

Nakasaad din sa datos na aabot sa 975 pulis ang nasugatan sa mga ikinasang operasyon, habang 300 pulis ang nakasuhan dahil sa umano’y iregularidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us