Kahit sunod sunod ang pagtama ng kalamidad, walang patid naman ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado ng Bagyong Kristine hanggang Bagyong Ofel.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit P1.5-M family food packs ang naipaabot kung saan nasa P1.4-M ang ibinigay sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kristine at Leon.
Nasa 132,000 food packs na rin ang inisyal na naipamahagi sa mga apektado ng Bagyong Marce, Nika at Ofel.
Mula sa bilang na ito, pinaka-malaki ang nailaan sa Cagayan Valley region na sunod sunod na tinumbok ng bagyo.
Una nang tiniyak ng DSWD ang tuloy tuloy na replenishment ng food packs sa mga tatamaan pa ng bagyong Pepito
Katunayan, libo libong kahon na rin ng FFPs at non-food items at financial assistance ang inihanda na para sa mga pamilyang mangangailangan lalong lalo na sa Aurora province sa Central Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa