Bilang pagsunod sa abiso ng Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, nagdesisyon ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair National Secretariat na ipagpaliban muna ang BPSF Samar.
Dapat ay sa Sabado, November 16 ito idaraos, ngunit bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Pepito ay iuurong ito sa susunod na linggo.
Dahil sa inaasahang magkakaroon ng direktangepekto sa Eastern Visayas ang bagyong Pepito ay hindi muna papatagan ang mga mass gathering o malaking pagtitipon.
Higit 40 ahensya ng pamahalaan ang inaasahang makikibahagi sa Serbisyo Fair.
Una nang ring kinansela ang BPSF Albay o Tabang Bicol, Tindog Oragon Relief and Rehabilitation caravan dahil pa rin sa bagyo. | ulat ni Kathleen Forbes