Pormal nang nagtapos ang Joint Armed Forces of the Philippines Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEX-DAGITPA) na tumagal ng dalawang linggo.
Pinangunahan ni AFP Vice Chief of Staff, Lt.Gen. Arthur Cordura ang closing ceremony na dinaluhan ni Defense Usec. Ignacio Madriaga.
Tumuon ang DAGITPA sa “interoperability” at “capability development” ng mga unit ng AFP kasama ang Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Army at ng Special Operations Forces.
Kasama rin sa naturang pagsasanay ang mga contingent mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa AFP, sa pamamagitan ng pagsasanay, umaasa silang mas mapalalakas ang kakayahang pandepensa ng bansa at para rumesponde sa mga posibleng “external threats”.
Naging highlight ng DAGITPA ang pagsasanay sa kunwari’y pagbawi ng isla na sinalakay ng mga dayuhan sa bahagi ng West Philippine Sea.
Nabatid na mahigit 3,000 sundalo ang lumahok sa DAGITPA ngayong 2024. | ulat ni Jaymark Dagala