Kinontra ng Bureau of Immigration ang naging pahayag ng Kampo ni Guo Hua Ping na ito ay Pilipino.
Ito’y matapos sumalang si Guo Hua Ping alyas Alice Guo sa hearing ng BI.
Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming mga naipakitang ebidensya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na hindi Pilipino si Guo Hua Ping at dinaya lamang nito ang kanyang mga dokumento.
Kabilang sa mga ipinunto ni Atty. Repizo ay ang fingerprint na hawak ng NBI na nagpapakita na si Guo Hua Ping at Alice Guo ay isang tao lamang.
Dahil dito, binigyan ng BI ang Kampo ni Guo na kumuha ito ng isang eksperto para pabulaanan ang records ng NBI sa kanyang mga fingerprint.
Bukod sa fingerprint, ipinakita rin ng Special Prosecutor ang birth certificate ni Guo na pineke para palabasing siya ay isang Pilipino. | ulat ni Michael Rogas