Protocol sa paggamit ng drones sa pagsasaka, inilabas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo na ang DA-Fertilizer and Pesticide Authority ng protocols at pamantayan sa paggamit ng precision technologies gaya ng drones sa pagsasaka.

Bahagi ito ng Drones4Rice Project ng Department of Agriculture National Rice Program (DA NRP), na layong i-standardize ang mga polisiya para sa aplikasyon ng binhi, pataba, at pesticides gamit ang drones lalo na sa mga taniman ng palay.

Sa PIA Presscon, binigyang diin ni Director Glenn DC. Estrada, Focal Person for Digitalization and Value Chain Development, ang malaking tulong ng drones sa mga sakahan na mas ligtas dahil mas kakaunti ang exposure ng kemikal, labor at cost-effective at mas mahusay na paraan para sa pag-spray ng pesticides.

Kaya naman, mahalagang maisulong din ang mga protocol para sa ligtas at sustainable na paggamit ng drones sa sektor.

Ayon kay FPA Exec. Dir. Julieta B. Lansangan, magsisilbing gabay ang protocols sa drone operators, service providers, LGUs at maging mga magsasaka na planong gumamit ng drone para sa pag-spray ng pesticides, at iba pang kemikal pang-agrikultura pangkontrol ng mga peste.

Sa ngayon, sinisimulan na aniya ang paggamit ng drone sa mga palayan na may inisyal na target na 150,000 ektarya.

May nakahanda namang voucher ang DA para makatulong sa mga maliliit na magsasaka.

TIna-target din ng FPA, na magsagawa ng Information Caravan sa mga pangunahing lokasyon ng rice cluster para maipabatid ang protocols sa mas ligtas na paggamit ng drones sa agri sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us