Sweden, nagpahayag ng commitment na paunlarin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Sweden Ambassador Herald Fries sa Depatment of Finance (DOF) ang kanilang dedikasyon upang palawakin ang pamumuhunan at kolaborasyon sa Pilipinas.

Partikular sa larangan ng imprastraktura, transportasyon, digitalisasyon, healthcare, energy at responsableng pagmimina.

Kabilang ito sa mga tinalakay ng Sweden Ambassador at ni Finance Secretary Ralph Recto, sa courtesy meeting na naglalayong mas pagtibayin ang strategic partnership ng Pilipinas at Sweden.

Pinag-usapan din sa pulong ang transfer of technology kung saan nag-alok ang Sweden ng paborableng solusyon sa export credit upang mapadali ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa katunayan, nakatakdang lagdaan ang isang memorandum of understanding (MOU) sa Financial Development Cooperation na magbibigay daan sa mas malalim na kolaborasyon sa mga kritikal na sektor. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us